IYAK SA PAGKADUROG NG KARBON NG LAPIS
Nais ko muling gumuhit
ng isang mukha.
-'Yung nakangiti.
-'Yung maganda.
Pero,
hinde ko magawa.
Lagi na lang may luha.
-Hinde maganda.
Ayaw ng aking kamay.
Pati ng aking isip,
pagod na ang aking mata.
-Hindi ba ako marunong?
-O 'di ko lang gusto?
-Hindi ko ba talaga kaya?
-O 'di ko pa nararanasan, natatamo
-ang ligaya,
-ang kagandahan?
Hindi pa pala ako handa.
ADG